Filipino version.
Tinutulungan ni Vernice ang mga lider upang maging ganap ang kanilang potensiyal sa pamumuno, at palawigin pa ang kanilang kakayahan sa pamumuno. May 15 taong karanasan sa mga kompanyang kabilang sa global Fortune 500 at malalaking kompanyang nonprofit, lumilikha si Vernice Jones ng experiential leadership programs at mga solusyon sa pagpapaunlad ng pamumuno na konektado at naghahatid ng resulta sa mga negosyo. May malawak na karanasan si Vernice sa pagtatrabaho kasama ang mga executive ng C-Suite at iba pang mga lider ng korporasyon. Kabilang sa mga tungkulin niya ang pagsasagawa ng mga komprehensibong pagsusuri sa pamumuno, executive coaching, at experiential programming. Nakapagsagawa na ng higit 500 leadership assessment at debrief, tinutulungan din niya ang mga lider na malaman nang higit pa ang tungkol sa kanilang kahusayan sa pamumuno at mga epekto nito.
Kilala si Vernice sa pagdidisenyo ng experiential leadership programs na nagtatanghal sa kagalingan, pananaw, at mga tunay na karanasan sa buhay ng mga kalahok, at nag-aambag sa mga kahihinatnang bumabago sa career. Nakapagdisenyo at nakapagsagawa na siya ng leadership development programs sa iba’t-ibang industriya para sa lahat ng antas ng mga lider ng korporasyon sa iba’t ibang lugar.
Kabilang sa mga kompanyang kinabilangan ni Vernice ang: United Nations, Cargill, Nielsen, Chicago Tribune, Newsday, United Technologies, Sikorsky Aircraft, Mitre, TASC, at Girl Scouts of the USA.
Dinisenyo ni Vernice ang dalawang-linggong kurikulum at sinanay ang mga guro para sa posibleng mga estudyante sa prestihiyosong Leadership Academy ng Duke University sa North Carolina at sa Shanghai at Beijing sa China. Kawani rin si Vernice ng International Executive Certificate sa Leadership Coaching Program ng Georgetown University. Sa pamamagitan ng kaniyang executive coaching business, naging coach siya ng mga executive at propesyonal na kliyente mula sa US, Europe, at Asia. Nakapagsagawa na siya ng virtual leadership programs para sa mga kalahok sa Middle East. Nakapagtrabaho na rin siya sa ilang community development projects kabilang ang Origami camp para sa kabataang babae sa South Carolina, English language program para sa matatandang Chinese, at programa para sa mga nakatatandang kasapi ng simbahang may lokasyon sa South Africa, Zambia, at Nigeria.
Bilang sertipikadong coach, nakumpleto na ni Vernice Jones ang coaching certification programs mula sa Coaches Training Institute (CTI), Organizational and Relationship Systems Coaching sa pamamagitan ng CRR Global (ORSC), at Center for Leadership Maturity. Siya ang Lider at ang Master Mentor Coach ng CoachMe coach certification program. Kuwalipikado siya na pangasiwaan ang Leadership Circle 360 profile at ang Myers Briggs, MBTI. Itinalaga siya ng International Coaching Federation bilang MCC (Master Certified Coach).
Nagtapos ni Vernice nang may undergraduate degree sa Economics sa University of Maryland at Masters degree sa Finance at sa Business Administration sa Robert H. Smith School of Business ng University of Maryland. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Mandarin Chinese at isinasalin ang Tao te Ching.
Si Vernice ang Tagapagtatag at Prinsipal ng The Leadership Compass, isang consulting firm na nagkakaloob ng mga makabagong solusyon sa pagpapaunlad ng pamumuno sa mga indibiduwal at organisasyon.